Ayon sa mga dalubhasa sa manukan, ang haba o ikli ng liwanag na binibigay sa mga broiler ay may epekto sa kanilang paglaki, dami ng kain, bigat ng timbang at kalusugan. Sa kasalukuyang pagpapalaki na hanggang 32 araw o higit pa, ang tamang haba ng liwanag ay napatunayan na mula sa 17 hanggang 20 oras lamang. Sa pagitan nito nakakamit ang mabilis na paglaki, magandang pangangatawan, di kataasang pagkamatay at magandang dami ng patuka bago hulihin at dalhin sa katayan o palengke. Dahil sa ganitong haba ng liwanag na kailangan, kayo na ang bahalang gumawa ng programa sa pag-ilaw sa gabi o sa kadiliman ng kabahayan.


