Sa buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero sa kapatagan ng Pilipinas at lalo na sa mga bulubunduking lugar tulad ng Mountain Provinces ay nagiging malamig ang hangin at kapaligiran.
Bagama’t gusto ng mga manok ang malamig na panahon, may kritikal na bagay tayong babantayan sa pagpapalaki at pag-aalaga ng manok.
Sa “brooding” o painitan:
• Nagiging mahaba ang oras ng “brooding”
• Kailangan maging masinop sa pagkontrol ng malamig na hangin sa gabi at madaling araw galing sa labas upang hindi lubhang ginawin ang mga sisiw.
• Kung maari, dapat doble ang dingding, mababa ang kisame at masinsin ang mga kurtina para hindi lamigin ang bahay at masiguro na komportable ang mga manok.
• Maaring tumagal sa “brooding” ang mga manok hanggang kaya nilang labanan ang malamig na hangin mula sa labas ng bahay.
• Maghanda ng karagdagang “heaters”, LPG Tanks o iba pang kailangan para masuportahan ang mga manok na maging maginhawa kahit na tumaas ang gastusin.
Ventilation
• Kailangan ang mabagal na “ventilation” lalo na sa gabi.
• Dapat magkaroon ng regular na pasok at labas ng hangin na hindi apektado ang tamang temperatura.
• Karamihan sa mga sakit sa baga sa taglamig ay dulot ng hindi maayos na kontrol ng hangin.
• Araw-araw, kailangan ang tamang pagbukas at pagsara ng kurtina ayon sa takbo ng panahon at ayon sa galaw, kondisyon at pagsasama-sama o paghihiwalay ng mga manok sa loob ng bahay.
• Kailangan na matibay ang pagsuporta sa ibaba ng mga kurtina para di masira sa malakas at malamig na hangin.
• Ang mga “litter” o nakalatag na materyal (ipa o kusot) sa sahig ay dapat palaging tuoy at maayos lalo na sa gabi.
Impeksyon sa baga
• Kapag hindi maayos ang “ventilation”, maaring magkaroon ng impeksyon sa baga.
• Ang giniginaw na manok dahil sa mababang init ng bahay ay malapit din sa impeksyon sa baga
Nutrisyon at Supplements
• Kapag tama ang lamig, maganang kumakain ang mga manok.
• Ang uri ng pagkain ay binabago sa taglamig.
• Ang bitamina C ay inihahalo sa patuka at hindi sa tubig kapag taglamig upang may resistensya ang hayop sa sakit
• Ang pang-araw-araw na bitamina tulad ng B-Complex na may amino acid tulad ng VITAMINO ACIDOS ay ibinibigay bago magtanghali (9 to 10a.m.) para malakas ang pag-inom
• Sa masidhing taglamig, kailangan ang “electrolyte” tulad ng SELECTOLYTE sapagkat humihina ang pag-inom upang hindi matuyo ang katawan ng manok na maaring ikamatay nito.


