MAAYOS NA TIYAN AT BITUKA PARA SA MAAGANG PAGLAKI NG MANOK “BROILER”

Ang tiyan at bituka ay kailangan maging handa sa maagang pagtanggap ng pagkain, pagtunaw nito at pag-asimila para madala sa iba’t ibang parte ng katawan ang sustansyang sangkap ng pagkain. Ang makabagong sisiw o “day old chick” sa ngayon ay kayang-kayang lumaki ng mabilis. Dahil dito, ang pwersa ng mabilis na paglaki ay kailangang suportahan ng pinakamagandang pagkain. Kailangan din laging maganang kumain ang sisiw lalo na sa unang pitong (7) araw pagkapisa nito o sa unang araw nito sa “farm”. Dito kailangan ng sisiw ang pampagana tulad ng ANIGANE. Ang ANIGANE ay inihahalo sa tubig inumin at siyang nag-i-istimula ng pagdaloy ng enzyme sa bituka, paglakas kumain at pagkuha ng sustansya. Palagiing may ANIGANE sa loob ng pitong araw o kapag hindi maganang kumain ang hayop habang pinalalaki at bago marating ang edad na handa ng ibenta.

Ang kahandaan ng tiyan at bituka sa mga unang araw ay magbibigay ng katiyakan sa maayos na paglaki. Kailangn din ang suporta sa maayos na pag-aalaga ng tagabantay at beterenaryo.